Bilang tugon sa panawagang magtaguyod ng alternatibong aktibismo sa pamantasan, isang aktibismong di nakasalig sa prehistoriko’t dogmatikong ideolohiya, at kinikilala ang pagkakaiba-iba ng bawat isa sa paniniwala at pagkilos, unang itinatag ang AKBAYAN Youth - UP Diliman noong 1998 sa pamumuno ni Jonas Bagas. Sa loob ng mga sumunod na taon, nagsikap ang AKBAYAN Youth-UPD na palawakin ang kasapian nito at maging aktibo sa mga usaping pampamantasan at panlipunan. Sa taong 2001 sa pangunguna ni Bonn Juego, naging prominente ang samahan sa panawagang magbitiw na ang Pangulong Estrada, na naipamalas sa paglulunsad ng Kapangyarihang Bayan II (People Power II). Sa pamumuno ni Gel Baniqued taong 2003, pormal na umanib ang AKBAYAN Youth-UPD sa Alyansa ng mga Mag-aaral para sa Panlipunang Katwiran at Kaunlaran (ALYANSA), bilang tugon sa pangangailangang itaguyod ang alternatibong pagkilos sa pamantasan. Ipinagpatuloy ng AKBAYAN Youth-UPD ang mga pagkilos nito nang mga sumunod na taon sa pangunguna nina Rbee Mallari (2004-2005), Pats Alcantara (2005-2006), Adonis Elumbre (2006-2007), Jeff Crisostomo (2007-2008), at Toff Lamug (2008-2009). Sa paggawad ng pagkilala ng Unibersidad sa samahan noong 2005, malaki ang pag-asa ng AKBAYAN Youth-UPD na lalo pa nitong mapapalawak ang bilang ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas na magtataguyod ng demokrasya, pagkakapantay-pantay, pagkamakatao, internasyonalismo at progresibong multi-perspektibong aktibismo. ![]() AKBAYAN Youth-UPD is a proud and active member organization of UP Alyansa ng mga Mag-aaral para sa Panlipunang Katwiran at Kaunlaran (ALYANSA)
Akbayan Party Welcomes "David and Gloriath" FightFrom the AKBAYAN Website. AKBAYAN Party announced today that it supports the decision of AKBAYAN Executive Committee member and UP Professor Randy David to run against GMA in Pampanga ’s second district. “We have been convincing him to run... more | |||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
![]() AKBAYAN HymnAkbayan Hymn - lyrics and music by Noel Cabangon; performed by Noel Cabangon and Bayang Barrios.
AKBAYAN YouthAkbayan Youth, a democratic socialist youth and students formation, works for the realization of good governance and transformative politics. Through dynamic, critical, vigilant, and solution-oriented brand of progressive activism, Akbayan Youth... more
|
| ||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||






